<P align=left><FONT face=Verdana size=5><STRONG>Determinasyon at Talentong Ilokano</STRONG></FONT></P>
Kung talento ang pag-uusapan, hindi pahuhuli diyan ang mga atleta nating Ilokano. Bagama’t mahirap sa mga Pinoy ang magtagumpay sa larangan ng isports dahil maraming aspeto sa ginagawang mga pamantayan sa iba’t-ibang isports ay hindi pasado, lalung-lalo na ang tangkad. Kaya kung may isa mang nagtatagumpay na atleta, todo ang lahat kung sumuporta.
Marami sa ating mga Ilokano ang naghahangad na makatungtong sa pambansang palaro, ang tipong hinahangaan ka ng lahat dahil ikaw ang pinakamagaling na boksingero sa bansa, o kung hindi man ay pinakamagaling na basketbolista. Hindi imposibleng makamtan ang pangarap na ito, dahil sa marami na sa ating mga Ilokano ang nakapagpatunay nito.
Nailathala at nakilala natin kahapon ang mga atleta na tubong Ilocos Norte na nakatung-tung sa hardcourt ng Philippine Basketball Association. Ngayon, tunghayan naman natin ang mga atletang taga-Pangasinan na nagpakita ng kanilang galing at determinasyon na nagbigay sa atin hindi lamang ng kasiyahan kundi karangalan sa ating mga kapwa Ilokano.
Binansagang \"The Silent Assasin\" ng PBA, tubong Alaminos, Pangasinan. Isa siya sa nagbuhos ng kanyang determinasyong di-mapapantayan at nagpamalas ng angking talento para mabigyan ng kampeonato ang kanyang dating koponan na Red Bull Barako na noon ay hawak pa ni Coach Yeng Giuao. Sa konperensyang ito siya nakilala bilang determinadong manlalaro at porsigido sa paglalaro para masungkit ang kampeonato. Sa yugtong ito niya nakuha ang parangal bilang finals MVP. Hindi naging madali para sa kanya na makuha ang parangal na ito, pag-eensayong walang humpay ang kanyang naging puhunan para makamit ito. Tinagurian siyang the silent assassin dahil sa kanyang mga tirang walang paltos, at walang kabang tumira sa dulo ng laro. Sa bawat dikit na laban asahan mong siya’y handa para sa pagbuslo ng bola at ito ang nagiging dahilan para makamit nila ng kampeonato. Ipinapakilala si Lordy Tugade, \"The Silent Assasin.\"
Natatandaan pa ba ninyo ang trademark ng isang manlalaro na \"Raising the Roof\"? Ang kanyang mga polidong galaw sa baseline, spin move at mga slam dunk ang siyang dahilan ng pagdagundung ng big dome. Isang Ilokano ang nagmamay-ari ng moves na ito, tubong Urdaneta, Pangasinan. Maraming beses din siyang napasama sa mythical five ng PBA at dalawang beses niyang natanggap ang parangal bilang Most Valuable Player. Isa sa player ng San Miguel Beermen, at siya ang isa sa mga nagbigay ng kampeonato sa team. Dahil dito, ang kanilang koponan ang may hawak ng record na pinakamaraming kampeonato sa PBA ngayon. Siya si Danilo Ildefonso o mas kilala sa pangalang Dany I. Naging matindi ang tandem nila ng kapangalang si Dany Seigle sa 90’s, ang tandem na mahirap tibagin kaya naman marami silang nakuhang kampeonato sa taong ito.
Sa lahat ng larangan mapa-isports man o sa tunay na buhay kailangan ng determinasyon at ibayong pananalig sa Diyos para magtagumpay sa anumang laban na haharapin. Sa mga laban na tulad nito nakikita kung sino talaga ang mga Ilokano - lumalaban hanggang sa huli. (Rodrigo Ventura Jr.)
Gallery
Dear Valued Client,
We will be introducing our newly upgraded website on October 31, 2024 – offering faster access, improved navigation, and enriched content for students, faculty, partners, and stakeholders. Experience how we cultivate minds and transform futures at MMSU.