Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura, iginawad sa MMSU
Ni Niña Christelle M. Sumintac, StratCom Correspondent
Iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura sa Mariano Marcos State University (MMSU) dahil sa natatangi nitong ambag sa pagpapaunlad ng pambansang wika at kulturang Filipino.
Tinanggap ni Dr. Maria Eliza Lopez, hepe ng MMSU Sentro ng Wika at Kultura, ang parangal sa isang seremonya na ginanap sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Manila noong Agosto 30.
Kalakip ng pasasalamat ni Dr. Lopez sa pagkilala ay ang pangako nitong magpapatuloy ang SWAK sa pag-o-organisa ng mga proyektong magsusulong pang lalo sa Wikang Filipino katulad ng taunang Tertulyang Pangwika at Tertulyang Pampanitikan.
Nakatanggap na rin ang MMSU-SWAK ng parehong parangal noong 2018, at naparangalan din si Dr. Lopez bilang Ulirang Guro ng KWF para sa taong 2019.
Ang SWAK na nakabase sa MMSU College of Teacher Education ay itinatag noong 2017 sa pamamagitan ng memorandum of agreement na nilagdaan ng MMSU at KWF. (HLY/JVBT/DPT, StratCom)
Gallery
Dear Valued Client,
We will be introducing our newly upgraded website on October 31, 2024 – offering faster access, improved navigation, and enriched content for students, faculty, partners, and stakeholders. Experience how we cultivate minds and transform futures at MMSU.