Panganib sa dinastiya

\"We are prepared enough for this SCUAA. It will depend on the players how they prepare for the challenge, especially now that we are here in the champion’s territory.\"

Ilan lamang sa mga katagang binitiwan ni University of Northern Philippines (UNP) Camp Director Dr. Alfredo Ravena, katagang nagbibigay ng determinasyon at lakas ng loob sa buong delegasyon at isang katagang nagbabadya ng panganib sa pagpapalawig ng MMSU Dynasty.

Kung pagbabatayan ang kasaysayan ng SCUAA-I Meet ay ang UNP lamang ang may kakayanang pabagsakin ang dynasty. Bago pagharian ng MMSU ang torneo ay hawak ng UNP ang kampeonato mula taong 2000 hanggang 2003. Simula nang maagaw ng MMSU ang kampeonato noong 2004 hanggang sa kasalukuyan ay mahigpit pa ring magkatungali ang dalawang delegasyon. Makapangindig ang nakaraang SCUAA Meet dahil halos magkadikit lang ang mga ito sa overall points at patuloy na nagkakarerahan sa pagkamit ng kampeonato.

Sa nakalipas na SCUAA-I Meet ay namayagpag ang UNP sa pagkamit ng championship crown sa Table Tennis, Badminton, Basketball, Volleyball (Men), Baseball at Sepak Takraw.

Subali’t hindi rin dapat ipagsawalang-bahala ang bangis na dala ng delegasyon ng Pangasinan State University (PSU) dahil bukod sa runner up sila sa iba’t-ibang event ay handang handa na ang buong 2007-2008 Champion Soccer Team nila sa pagkamit ng Grand Slam, bagama’t nandiyan ang nakaambang tinik mula sa mga mortal na kalaban na UNP at MMSU sa loob ng soccer field. Nasungkit ng PSU ang kampeonato mula sa UNP, at dalawang taon na silang naghahari subali’t hindi nila matalu-talo ang MMSU sa soccer. Sa paghahanda ng PSU soccer team ngayong SCUAA-I Meet ay kanilang binanderahan ang Alaska Invitational Cup at Baguio Cup.

\"Sa hard work ng team, kaya naming manalo at we are 99% ready,\" paniniguro nina Albert Baichon at Renato Rosas Jr., mga forward fielder ng PSU Soccer Team.

Dapat ring bantayan ang Don Mariano Marcos State University (DMMSU) at Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC). Palaging dinodomina ng DMMSU ang Athletics, Lawn Tennis at Taekwondo. Runner up din sila sa Sepak Takraw. \"Kumpiyansa kami na mananalo kasi may training kami,\" pagmamalaki ni DMMSU three-year Athletics Captain Solid North icon Marvin Leaño.

\"ISPSC and DMMSU become bigger delegates now. Greater delegates, greater chance to get points, and greater chance to be the champion kaya hindi dapat pakasisiguro ang lahat ng delegasyon,\" banta ni Ravena.

Lalawig o babagsak ba ang dynasty? Ano ang nag-aantay na destiny? (Marvin Abellon)

Gallery
 

Dear Valued Client,

We will be introducing our newly upgraded website on October 31, 2024 – offering faster access, improved navigation, and enriched content for students, faculty, partners, and stakeholders. Experience how we cultivate minds and transform futures at MMSU.

Continue to the New Website