Pambansang seminar sa pagtuturo ng panitikan, idinaos sa MMSU

Idinaos ang isang pambansang seminar sa MMSU Teatro Ilocandia noong Pebrero 20-22  na nidaluhan ng mga guro sa Filipino at panitikan mula sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon.

Nakatuon ang seminar sa pagtuturo ng panitikang gender-based. Maliban sa panitikan, tinalakay din ang mga paksang may kaugnayan sa wika at kasarian. Nagkaroon din ng mga pakitang-turo sa kuwentong bayan, tula, at maikling kwento gamit ang mga lapit na itinampok sa nasabing seminar.

Inorganisa ng MMSU College of Teacher Education sa pamamagitan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWAK). Naging kalahok dito ang mga guro ng University of Northern Philippines sa Vigan City, Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union, North Luzon Philippines State College sa candon City, Ilocos Sur; Ilocos Sur Polytechnic State College, Pangasinan State University, at Kagawaran ng Edukasyon sa Ilocos Norte.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Dr. Jimmy B. Fong, Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, na may kinalaman ang kasarian ng tao sa paraan ng kanilang pagkukuwento, pagsusulat, pagdudula, at iba pang larangan sa panitikan. Dagdag pa rito, nakabatay na rin sa kasarian ang pag-intindi ng mga tao sa kanilang nababasa at naririnig.

Ayon kay Dr. Fong, ang namamayaning pamamaraan ng pag-intindi gamit ang “binary oppositions” ng ginagamit sa larangan ng panitikan ay kailangang buwagin dahil malaking problema ang idinudulot nito.

“Sa pagitan ng babae at lalake, ang problematikong grupo na pumapagitna ay ang mga kasapi ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender na komunidad. Habang hindi pa naaaprubahan ang batas na kumikilala sa same-sex marriage, ang mga nasa gitnang uri ng kasarian ay mananatiling problematiko,” paliwanag ni Dr. Fong. 

Gallery
 

Dear Valued Client,

We will be introducing our newly upgraded website on October 31, 2024 – offering faster access, improved navigation, and enriched content for students, faculty, partners, and stakeholders. Experience how we cultivate minds and transform futures at MMSU.

Continue to the New Website