Ang pagpapalawig sa dynasty(Isang pagbubunyag sa sikreto ng kampeon)

\"Nakagigimbal sa lakas, matinik kung dumiskarte, at nakakatakot banggain!\" Mga katagang nais iparating ng defending champion MMSU Team sa mga nagbabalak na sila’y pabagsakin matapos pagharian ang SCUAA-1 Meet sa loob ng anim na sunud-sunod na taon.

Determinasyong manalo at pagkakaroon ng pusong hindi sumusuko sa kahit anong laban ang sandata ng Team MMSU upang paghariang muli ang mga laro. Tibay at lakas ng loob sa athletics, matinik na pagdiskarte sa chess, mala-submarinong paglangoy sa swimming events, at mga bumubulusok na bicycle topping sa sepak takraw: ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sadyang tinitingala at kinatatakutan ang buong delegasyon ng MMSU.

Sadyang kayhirap buuin ang isang dinastiya ngunit higit na mas mahirap gawin ang pagdedepensa nito sapagkat pinaghahandaan na ng mga kalaban ang koponan ng MMSU. Matatandaan na bago pa man natamo ng MMSU ang pamamayagpag na ito ay dinomina na ng University of Northern Philippines ang SCUAA-1 Meet mula 2001 hanggang 2003. Ngunit mula 2004 hanggang sa kasalukuyan ay hawak pa rin ng MMSU ang titulo at inaasahang muli na naman itong magwagi sa ginaganap na SCUAA MEET 2009-2010 sa sarili nitong balwarte.

\"Our goal is to hit the seventh bull’s eye this coming SCUAA-I Meet. In MMSU, the name of the game is excellence! We cannot afford to lose. The term means precision and accuracy in winning a game. I personally believe that victory is not a matter of luck, it must be scientifically planned and executed,\" ani Prof. Arsenio T. Gallego, direktor ng Physical Education, Sports, and Socio-Cultural Development Office.

\"With continuous recruitment, complete facilities, team strength, full support from our administration officials, and help from God, there is 100 percent probability that we can get the 7th overall championship trophy,\" pagpapaliwanag ni Robert T. Barangan, MMSU sports activities chief.

Isa pang dahilan kung bakit palaging nananalo ang MMSU ay ang paglulunsad ng iba’t-ibang pagsasanay sa lahat ng laro kung saan iniimbitahang dumalo ang mga kilalang trainor upang sanayin ang mga atleta. Kabilang rito si Chess Expert Andy Fernandez na muntik nang tumalo sa binansagang Philippines Youngest Grand Master Wesley Zo. Dumating din sina Jimmar Chan (CARASU Table Tennis Gold Medalist), Nestor Calit (Philippine Sepak Takraw member), Jimmy Malera (Ateneo Soccer Team coach), at Loyd Lastimoso (Taekwondo).

Paalala ni Barangan, \"Sa ngayon na hawak natin ang tagumpay ay huwag sanang maging kampante ang buong koponan sapagkat mala-agila man tayong namayagpag ay hindi pa rin natin alam ang panganib na nagkukubli sa mapuputing mga ulap\".

Gallery
 

Dear Valued Client,

We will be introducing our newly upgraded website on October 31, 2024 – offering faster access, improved navigation, and enriched content for students, faculty, partners, and stakeholders. Experience how we cultivate minds and transform futures at MMSU.

Continue to the New Website